Ellen G. White: Propeta o Pakinabang?

Ni Dirk Anderson

Marami sa mga kaanib ng Seventh-day Adventist ay naniniwala sa kwento na nagsimula raw ang mga Whites ng kanilang ministeryo na “walang kapera-pera, at kung paanong namatay raw si Gng. White na may “utang” pa. Naniniwala rin sila na ang mga sulat ni Gng. White ay puno ng mga aral tungkol sa pagpaparaya at pagtitiyaga. Gayunpaman, iilan lamang sa SDA ang nakakaalam na ang hirap ni Gng. White sa simula ng gawain ay mabilis na napawi noong siya at si James na kanyang asawa ay nagkamal ng malaking salapi, mga ari-arian at lupain. Sa pag-aaral na ito ay ating ipapakita ang mga katibayan na si Gng. White ay nasiyahang mamuhay sa karangyaan ng pagiging isang “mayaman at tanyag.” Na kung ikukumpara sa halaga ng salapi ngayon ang kanyang mga nakamit na ari-arian, si Gng. White ay maituturing na literal na nabuhay na isang milyonerya!

Paano Nakamit ni Ellen White ang kanyang Malaking Yaman?

Malaking Bayad sa Aklat – Ang malaking halaga ng kanyang kinikita ay nagmula sa malaking bayad na kanyang natanggap mula sa mga aklat na kanyang ibinenta. Nagkaroon siya ng humigit $100,000 na halagang bayad sa buong panahon ng kanyang buhay. At sa kasalukuyang halaga ng dolyar, ito’y tantiyang aabot ng 3.1 milyong dolyar![1]

Kaya’t kahit na siya ay nagsimula na mahirap at walang pera noong 1840s, ngunit ang kalagayan na ito ay lubhang nabaliktad noong siya ay nagsimulang kumita ng malaking salapi. Halimbawa, sa mga huling bahagi ng 1850s, siya ay kumita ng higit sa $1,000 kada taon gamit ang kanyang mga aklat. At noong dekada ng 1856 hanggang 1866, si Gng. White ay kumita ng $11, 435. Na kung ang salaping ito ay ikukumpara sa 2019 na halaga ng dolyar, ito ay nagkakahalaga ng $329,696, o malapit sa halagang $33,000 kada taon. Subalit dapat malaman na ang mga ganitong halaga na kanyang kinita ay maliit parin kung ikukumpara sa mga susunod niyang kikitain. Halimbawa, noong 1890s at 1900s, nagawa niyang kumita ng $8,000 hanggang $12,000 mula sa bayad sa kanyang mga aklat. Sa 2019 na halaga ng dolyar, ang halaga nito ay katumbas ng $248,768 hanggang $373,153 kada taon! At ang ganitong uri ng kita ay maaring maglagay sa kanya bilang kabilang sa 1% o iilang nangunguna sa buong mundo na malaki ang kinikita.[2]

Dagdag pa rito, ang kanyang asawa na si James ay nagsulat rin ng mga libro. Na bagamat wala tayong alam sa saktong halaga ng kanyang mga kinita, maari nating isipin na nakinabang rin ang mga Whites sa mga isinulat ni James. Dapat malaman na si James ay tuso at mahusay na negosyante. Ang totoo, nagsulat pa nga siya ng liham na humihikayat kay Ellen na magsulat pa ng maraming mga aklat; sa tiwalang ang mga ito ay may malaking hatid na kita. Ganito ang kanyang sinabi,

“Dahil sa lumalaking pangangailangan sa ating mga sulat…maari tayong kumita ng libo-libong dolyar bawat taon; maliban pa sa malaking kita na hatid ng ating mga sulatin.”[3]

Bilang negosyante, alam ni James kung paano lumikom ng malaking yaman mula sa kanilang mga sulatin. Wika niya sa kanyang liham sa kanyang asawa: “Ang lagay ng ating pananalapi ay napakabuti…at mayroon pang mga yaman na darating buhat sa ating mga susulatin.”[4]

Sahod bilang Ministro - Ang mga Whites ay tumanggap rin ng sahod mula sa Simbahang SDA. Halimbawa, si Gng. White ay tumanggap ng sahod na kaparehas sa tinatangap ng ministro noong panahong iyon.  At bagamat ang sahod na ito ay di hamak na mababa kung ikukumpara sa malaking kinikita nila mula sa kanilang mga aklat, ngunit ang kanilang natanggap na sahod bilang sikat na ministro ay mas malaki pa kumpara sa sahod na tinatanggap ng karaniwang ministro sa isang denominasyon.

Bayad mula sa Upa - Nang ang mga Whites ay nakabili ng mga lupain, nilinang nila ang ilan sa mga ito upang tayuan ng mga paupahang bahay. At bagamat mahirap nating malaman ang saktong kinita nila mula sa kanilang mga pinaupahang bahay, maari tayong magkaroon ng kaalaman gamit ang ilang naitala sa kanilang mga liham. Noong 1878, mayroong nabanggit si Gng. White tungkol sa halaga ng paupahang bahay na kanyang pagmamay-ari. Ito raw ay nagkakahalaga ng $65 bawat buwan, na sa halaga ng 2019 na dolyar, ito ay aabot sa $1,745 bawat buwan.[5] At noong 1881, sinabi niya sa nagngangalang Willie na kunin ang upa mula sa dalawang nangungupahan na hindi agad nakabayad.[6] At noong 1889, sinubukan niyang ipaupa ang kanyang bahay sa Battle Creek sa halagang $12 hanggang $15 bawat buwan. Ito ay nagkakahalaga ng $346 hanggang $432 bawat buwan sa 2019 na halaga ng dolyar.[7] At noong 1890, inisip niyang paupahan ang kanyang malaking pag-aaring bahay sa halagang $175 kada buwan, na sa 2019 na halaga ng dolyar ay aabot ng $5, 041.[8]

Iba pang Kita - Si Gng. White ay tumanggap rin ng bayad mula sa mga sanaysay na kanyang isinulat sa loob ng kanyang denominasyon. (Kahit na marami sa kanilang mga manunulat roon ay nagbahagi ng kanilang mga sanaysay na walang bayad). Ngunit maliban riyan, ang mga White ay naglako rin ng iba’t ibang mga paninda, gaya halimbawa ng mga relihiyosong larawan na gawa nila. Nagbenta rin sila ng tinatawag nilang “Reform Dress,” na ito ay iginiit ng mga Whites na itinda sa mga kapatiran noong 1860s. Ito ay nagkakahalaga ng isang dolyar bawat piraso. Sa unang tingin ay tila murang halaga lamang ito, ngunit sa 2019 na halaga ng dolyar, ito ay nagkakahalaga ng $29![9]  

Dagdag pa, dapat nating maunawaan na si Gng. White ay nabuhay sa panahon bago nilikha ng Estados Unidos ang kinagisnan nating Personal Income Tax at Social Security Tax! Ibig sabihin, nagawang angkinin ng mga Whites ang marami sa kanilang kinita na walang iniisip na buwis.

Katibayan ng Yaman

Hindi tulad ng Panginoong Jesus, ng Kanyang mga apostol at ng mga propeta – na karaniwan ay mahirap at di-kilala – ang mga Whites ay namuhay ng marangya na pantay sa mga pinakamayayaman ng panahong iyon. Suriin ang mga sumusunod:

Marangyang Lupain at Milyo-Milyones na Dolyar - Ang huling labing-limang taon sa buhay ni Gng. White ay ginugol niya sa Elmshaven. Isa itong napakarangyang bahay na eksklusibong matatagpuan sa Napa Valley, malapit sa San Francisco sa Northern California. Ang lupa niya rito ay nabili sa halagang $5,000, na ngayon ay maaring magkahalaga ng higit $100,000. At kung ipagbibili ngayon ang kanyang kahangahangang mansyon at ang 74-ektarya nitong lupa, ito ay maaring umabot ng sampung milyong dolyar.[10] Ngunit dagdag pa sa mansyon, ang mga ari-arian niya rito ay binubuo ng mga sumusunod:

Mga Pag-aaring Lupain - Minsan pa, mahirap alamin ang dami ng mga lupaing naging pagmamay-ari ng Whites. Ito ay dahil sa wala tayo masyadong mapagkukunan ng talaan tungkol rito. Gayunpaman, may ilang mga nakalap na mga dokumento na makakatulong sa atin upang maunawaan ang kanilang kayamanan. Ilan sa mga ito ay ang mga sumusunod:

Mga Personal na Tauhan - Malaking halaga sa kinikita ni Gng. White ay ibinabayad niya sa marami niyang tauhan, bagamat ang iba sa kanila ay binabayaran ng simbahang SDA. Mula taong 1870s hanggang sa mga sumunod na taon, mayroon siyang anim hanggang labindalawang mga katuwang sa kanyang pagsusulat. Pinangunahan ni W.C. White ang mga editoryal na tagapaglingkod ng kanyang ina; ito ay matapos ang taong 1881. Kaugnay nito, inilagay rin W.C. White ang kanyang asawa na si Mary K. White, kasama sina Marian Davis, Joseph H. Waggoner, Sara McEnterfer at Jenny Ings bilang kanilang mga katuwang. At may iba rin na tumulong batay sa hinihingi ng panahon. Ang grupo na ito ang siyang nasa likod ng lahat ng kanilang isinulat na libro, sanaysay at pati narin mga pagbati at patotoo.   

Ngunit maliban rito, si Gng. White ay mayroon ring mga katulong sa bahay. Ang larawan na iyong nakikita sa pahinang ito ang siyang mga tauhan ni Gng. White sa kanyang bahay sa Elmshaven taong 1913. Mayroon siyang labing-apat (14) na katulong sa bahay, binubuo ng kanyang sariling nurse (si Sara McEnterfer), ng tagapagluto, ng isang manunulat, mananahi, magsasaka, at ilang mga sekretarya at katuwang sa opisina. Hindi natin tiyak kung ilan sa mga tauhan ni Ellen White ang kanyang direktang binayaran, at kung ilan ang kusang-loob na nagtrabaho para sa kanya at ilan ang binayaran ng simbahang SDA.  

Marangyang Pamumuhay - Hindi lamang kumita ng malaking salapi ang mga Whites –sila ay talagang gumastos ng malaking halaga! Totoo na sila’y naging mapagbigay sa kanilang mga adhikain para sa gawain ng Seventh-day Adventist. Gayunma’y, hindi dapat itanggi na sila’y gumastos rin ng malaki para sa kanilang mga sarili. Ilan sa mga sumusunod ang maibibigay nating halimbawa:

Ginamit ang Diyos upang Bilhin ang kanyang mga Aklat?

Si Gng. White ay nasa magandang katatayuan upang maipagbili ang kanyang mga aklat. Halimbawa, maari siyang magbigay ng patotoo habang itinatampok ang kanyang mga aklat. Na bunga nito’y ang kanyang mga tapat na tagasunod, sa pag-aakalang ang kanyang mga mensahe ay galing sa Diyos ay magkakandarapang bilhin ang kanyang mga libro, sa layuning ibahagi rin ito sa iba. Pansinin mo kung paano niya isinulong ang kanyang mga libro at hinikayat ang kanyang mga tagasunod:

“Ang mga malaking aklat na gaya ng Patriarchs and Prophets, Great Controversy, at Desire of Ages ay dapat na ipagbili natin saanmang lugar. Ang mga aklat na ito ay naglalaman ng katotohanan para sa panahong ito – katotohanang dapat ipahayag sa bawat panig ng mundo. Walang sinuman ang dapat na humadlang sa pagbebenta ng mga ito.  At marahil, marami sa ating mga aklat ang  mabilis na maipagbibili kung ang ating mga kaanib sana ay gising sa katotohanan na nilalaman ng mga aklat na ito – Oo, maging ang kanilang pananagutan na ito ay ipalaganap. Kaya nga mga kapatid, hindi ba kayo magsisikap sa pagpapalaganap ng mga aklat na ito? Gumawa kayo ng may pagsisikap.”[24]

“Sa maraming pagkakataon, nakita ko na kung ang ating mga maaasahang kabataan ay palalakasin ang loob at maingat na gagabayan, maari silang kumita ng pambayad para sa kanilang pag-aaral sa pamamagitan ng pagbebenta ng ating mga libro, gaya ng Christ’s Object Lessons o kaya ay Ministry of Healing.[25]

“Ang makakapal na libro na gaya ng Spirit of Prophecy, [THE GREAT CONTROVERSY] at maging ang Testimonies ay dapat na ipakilala sa bawat pamilyang mapagtalima sa Sabbath. Ang kapatiran ay dapat na turuan sa kahalagahan ng mga ito at himuking ang mga ito’y basahin. Hindi mabuti na minamaliit natin ang kahalagahan ng mga aklat na ito. Ang mga ito’y hindi lang dapat matagpuan sa ating simbahan, kundi lalo’t higit sa bawat tahanan ng ating kapatiran; na ito’y kanilang ulit-uliting basahin.”[26]

“Hayaang ang bawat isa ay makapagpahayag para sa Panginoon gamit ang pagbebenta ng Christ’s objects Lessons. Hayaang ang bawat isa ay makiisa sa mga mangagawa.”[27]

"Ang makakapal na libro na gaya ng Spirit of Prophecy, [THE GREAT CONTROVERSY] at maging ang Testimonies ay dapat na ipakilala sa bawat pamilyang mapagtalima sa Sabbath. Ang kapatiran ay dapat na turuan sa kahalagahan ng mga ito at himuking ang mga ito’y basahin. Hindi mabuti na minamaliit natin ang kahalagahan ng mga aklat na ito. Ang mga ito’y hindi lang dapat matagpuan sa ating simbahan, kundi lalo’t higit sa bawat tahanan ng ating kapatiran; na ito’y kanilang ulit-uliting basahin. ...Minalugod ng Diyos na ang kanyang liwanag ay mailimbag; na ito’y ariin at basahin ng bawat pamilya.  Kaya’t mga magulang, dapat ninyong malaman na ang inyong mga anak ay nasa panganib kung sila’y lalakad na laban sa liwanag ng langit. Dapat ninyong bilhin at basahin ang mga aklat na ito, sapagkat sila’y magiging pagpapala sa inyo. Ipahiram ninyo ang aklat na Spirit of Prophecy sa inyong mga kapitbahay at hikayatin sila na bumili rin ng kopya para sa kanilang sarili.”[28]

Dito nga ay ating makikita na ang mga tapat na tagasunod, pati narin ang kanilang mga walang malay na kapitbahay ay hinikayat na bumili ng mga aklat ni Ellen White. At ang presyo ng mga aklat na kanilang bibilhin ay lubhang mahal. Halimbawa, noong 1890, ang simbahan ng SDA sa Norwich Town ay nagpahayag ng reklamo tungkol rito. Ganito ang sinasabi,

“Ang patotong ito ay kapansin-pansin kapag isasa-alangalang natin ang halaga ng mga ibinibentang libro. Ang mga makapal na libro na maayos ang pagkakagawa ay mabibili sa halagang limangpung sentimo. Ang Testimonies ay ibinebenta sa halagang $1.50 bawat libro. At ayon sa ibinigay na tuntunin, ang mga librong ito ay dapat raw bilhin sapagkat ito raw ay naglalaman ng mensahe galing sa Diyos. Ngunit kung ang Testimonies ay naglalaman nga ng ‘inihayag na kalooban ng Diyos,’ bakit hindi sila ibenta ayon sa pasya ng kalooban ng tao? Dapat pa ba akong magsalita ng marami tungkol rito?—na ang pagbebenta ng Testimonies sa halagang $1.50 bawat libro ay dapat na tumawag ng malayang pamamahagi! Ito ba ang ibig sabihin ng ‘kaloob ng propesiya,’ na magbenta ng mga libro sa napakalaking halaga? Na ‘pakilusin ang kapatiran’ na magbahagi ng malaya?”[29]

Paglikom ng Pondo

Ang paglikom ng pondo ang siyang sentral na paksa ng mensahe ni Ellen White. Halimbawa, noong 1849 – ito yung panahon kung saan ang espiritung gabay ni Ellen ay nagbigay babala sa kanya na, “ang panahon ay halos matatapos na”[30] – hinimok niya ang mga kapatiran na ipagbili ang kanilang mga ari-arian upang pondohan ang ministeryo ng mga Whites. Ganito ang sabi niya,

“Nakita ko na kalooban ng Diyos na ang Kanyang mga banal ay dapat na makawala sa bawat sagabal – na dapat nilang isangla ang kanilang mga bahay at lupa bago sumapit ang panahon ng kapighatian, at na sila ay dapat makipagtipan sa Diyos sa pamamagitan ng pagtitiis. Nakita kong ibebenta nila ang mga ito kung gagawin nila itong mga handog at masikap na isasaalangalang ang paglilingkod.”[31]

Ngunit hindi lahat sa kapatiran ay natuwa sa palagiang pagpaparinig ng mga Whites tungkol sa pera. Isa sa kaanib na Adventis, na di sang-ayon sa sinasabi ng pangitain ay nagpasya noong 1854 na hindi siya makikiisa sa gayong gawain. Ang sabi niya,

 “Ako ay hindi dapat matali sa pananagutan hinggil sa paglilimbag at pagbabahagi ng mga pangitain ni Ellen upang buksan ang puso ng iba na magbigay; at na sa pamamagitan nito ay tila ‘inilulubog natin ang isang tao sa ilalim ng karagatan.’”[32]

Noong 1857, kakatwa ang pasya ng mga Whites sa pagsasabing ang katapusan ng panahon ay naudlot. Bunga nito, binago ni Gng. White ang kanyang pangitain, sa pagsasabing hindi na muna kailangan ng Diyos na ibenta ng mga Adventists ang kanilang mga kabahayan. Ngunit, kung sila’y handa na lumipat sa mas murang bahay, ang mga Whites raw ay malulugod na likumin ang sumobrang halaga sa kanilang ipinagbili. Ganito ang sabi,

“Nakita ko na sa kasalukuyan, hindi iniuutos ng Diyos na iwan ng kapatiran ang kanilang mga kabahayan, maliban lang kung nais nilang ibenta ang malaking halagang bahay upang manirahan sa murang bahay.”[33]

Subalit maliban rito, hinikayat nila ang mga mayayaman na ibigay ang ilang bahagi ng kanilang ari-arian kung ayaw nilang mawala ang kanilang kaligtasan. Ganito ang pahayag ni Gng. White,

“Subalit sa kanila na mayaman at masagana na hindi makikinig sa tinig ng Diyos; na sila’y humiwalay sa kamunduhan at ialay ang ilang bahagi ng kanilang ari-arian at lupain para sa Diyos, sila’y hindi papansinin ng Panginoon kundi yaon lamang na nagkusa para kay Jesus; na ipinagbili ang kanilang bahay upang tugunan ang kailangan ng ating gawain.”[34]

Noong 1859, nagpatuloy si Gng. White sa kanyang dakdak na, “magbigay na, bago pa maging huli ang lahat.” Sa isang pagkakataon ay ginamit niya ang kanyang pangitain upang subukang himukin ang isang tao na kilala na may “malaking pag-aari,” na nais raw ng Diyos na ihandog niya ang kanyang pera sa mga Whites. Ganito ang kanilang sinabi,

“Minamahal na kapatid, nakita ko na nais gamitin ng Panginoon ang mga pag-aaring ipinahiram Niya sa iyo. Tinatawagan ka Niya na gamitin ang mga ito sa ikalalago ng Kanyang gawain…Nakita ko na dapat mong agapang alisin ang pagkakagamit ng mga pag-aaring bigay sa iyo ng Diyos mula sa mga di-mananampalataya at ilipat ito sa mga mananampalataya…Nakita ko na ang kasaysayan at kalagayan sa mundong ito ay mabilis ng matatapos. Hindi magtatagal at ito’y maglalaho na. Kaya’t ang dapat gawin para sa Gawain ay dapat ng maagap na gawin ngayon.”[35]

Maliban riyan, marami pang mga parehas na taktika ng pananakot ang ginamit ni Ellen hanggang sa pagtatapos ng kanyang ministeryo. Kaylungkot lamang, na ang korporasyon ng SDA ay ginagawa parin ang ganitong parehas na paraan ngayon. At ako na may akda ng pagsusuring ito ay makapagpapatotoo tungkol sa napakaraming mga mensahe na aking napakinggan na nagsasabing mas mabuti pang magsakripisyo sa kasalukuyan, kaysa sa mawala ang lahat sa darating na panahon ng kapighatian.

Laban sa Maliwanag na Turo ng Bibliya

Madalas himukin ni Gng. White ang kanyang mga tagasunod na punuin ang kabang-pananalapi ng kanilang simbahan ng pinaghirapang pera. Nagbigay mismo si Gng. White ng malinaw na tuntunin na ang ikapung salapi ay dapat lang gamitin para sa ministeryo ng ebanghelyo. Ganito ang kanyang sinabi,

“Ang ikapu ay inilaan para sa natatanging gamit. Ito ay hindi dapat ituring na pondo para sa mahirap. Ito ay dapat na italaga para sa pagtustos ng pangangailangan nila na naghahatid ng mensahe ng Diyos sa sanlibutan; at ang tanging layuning ito ay hindi dapat pakialaman o baguhin.”[36]

Ayon kay Gng. White, ang ikapu ay hindi dapat na gamitin para sa mahirap. Ngunit ano ba ang sinasabi ng Biblia tungkol sa ikapu? Ganito ang Nasusulat,

“Sa katapusan ng bawa't tatlong taon ay iyong kukunin ang buong ikasangpung bahagi ng iyong bunga ng taong yaon, at iyong ilalagay sa loob ng iyong mga pintuang-daan: At ang Levita, sapagka't siya'y walang bahagi ni mana na kasama mo, at ang taga ibang bayan, at ang ulila, at ang babaing bao, na nangasa loob ng iyong mga pintuang-daan, ay magsisiparoon at magsisikain at mangabubusog; upang pagpalain ka ng Panginoon mong Dios sa lahat ng gawa ng iyong kamay sa iyong ginagawa.”[37]

Sinasabi sa talatang ito na dapat ipunin ng mga Israelita ang kanilang ikapu sa loob ng tatlong taon. Matapos nito’y ipapamahagi nila ito sa mga Levita, sa mga banyaga, sa mga naulila at mga balo. Batay sa katatayuan sa lipunan ng mga taong ito, ang ikapu na ibibigay sa kanila ay maituturing na “ikapu para sa mahirap!” Ang ilang bahagi ay dapat ibigay sa mga lingkod ng Diyos (ang Levita), subalit ang bayan ay inutusan rin na ibahagi ang kanilang ikapu sa mga mahirap at sa mga walang kakayahan.

Malaking Alitan tungkol sa Bayad sa mga Aklat

May isang pangyayari kung saan hinimok ng mga kapatiran si Gng. White na ibaba ang presyo ng kanyang mga libro, upang ang gawain ay higit pang umusad. Kanilang ibinigay na halimbawa para sa kanya ang ginawa ng mapagbigay at mapag-sakripisyong si Uriah Smith, na walang pasubaling ibinaba ang halaga ng kanyang mga libro upang ito’y mabili ng marami. Sa mungkahing ito, tila natuliro at napahiya si Ellen dahil sa halimbawa ni Smith. Kaya’t syempre, gamit na naman ang kanyang pangitain, nagawa niyang ibaling ang sisi mula sa kanyang sarili patungo sa kanyang mga tagapaglimbag. Ganito ang sabi niya,

“Ipinakita sa akin na may ilan sa mga mangagawa ni Smith na hindi gumawa ng tama. Ang mga taong iyon ang humikayat sa kanya na ibaba ang halaga ng kanyang mga aklat. At sila nga ay nagtagumpay sa pagsasagawa nito at nalinlang si Smith. Inakala ni Smith na ang pagsasagawa nito ay magsusulong ng gawain ng Diyos. At matapos nga nito’y nagsipagpunta naman sila akin at pati narin sa iba, na sinasabi na si kapatid na Smith ay tumanggap lamang ng sapat mula sa kanyang mga aklat, at ngayon nga’y hinihikayat tayong ang dapat lamang ipagbili ay ang mga aklat na mabilis ibenta.”

 “Subalit matapos ang gabi na ang mungkahing ito ay ibinigay sa akin, ako ay naimulat sa usaping ito. Nakita ko na dinalaw nila si kapatid na Smith at tinanggap ang kanyang pahintulot na pumayag sa mababang halaga. Ngunit ang pagsasagawa nila nito’y bunsod ng pandaraya. Ipinakita sa akin ang espiritu na nag-udyok sa mga taong iyon na gawin ang bagay na ito.”[38]

Bagamat hindi natin alam ang talagang motibo ng mga taong nagmungkahi kay Ellen na ibaba ang halaga ng kanyang mga libro, maari nating isipin na matapos ang ganitong mapanitang pangitain, ang mga tagapaglimbag sa SDA ay naging lubhang maingat na sa pagtalakay ng mungkahing ito kay kapatid na White.

Noong 1885, muling nagkaroon ng alitan sa pagitan ni Gng. White at ng kanyang mga tagapaglimbag. Nabahala si Gng. White sa paraan ng pamamahala ng kapatiran sa kanyang mga libro. Naging masama ang kanyang loob sapagkat sa bawat aklat, $0.15 lamang ang kanyang kinikita. (Sa 2019 na halaga ng dolyar, ang halaga niyon ay $.4.32 bawat aklat). Sa mga naunang kasunduan kasi niya sa mga tagapaglimbag, natanggap niya ang lahat ng kita mula sa bawat unang edisyong limbag ng isang aklat. Subalit sa mga sumunod na edisyon (simula ikalawang edisyon), ang ginansiya ay hinati na sa pagitan niya at ng kanyang mga tagapaglimbag. At tungkol rito’y sinabi niya sa kanyang liham na ang ganitong ginawa ng kanyang mga tagapaglimbag ay “hindi makatuwiran.”

Kumpara at Kaibahan
Tumanggi sa Kahit Isang Kusing

Nilisan ni Gilbert Cranmer ang Adventist sa bungad ng 1860s at pinasimulan ang Church of God (seventh day). Siya ay nagsumikap sa ministeryo sa simbahang ito ng mahigit 40 taon. At bagamat hindi siya mayaman, kahit na inaasahan siya ng kanyang asawa at apat na anak, sa loob ng kanyang 60+ taon ng pagmiministeryo, tumanggi siyang tumanggap ng anumang sahod sa kanyang mga pagpapagal, hindi siya tumanggap ng kahit isang kusing!

Gilbert Cranmer...

  …hindi pumunta sa anumang pangkalusugang resorts
  …walang ipinatayong mansyon sa mundong ito.
  …hindi nakapaglakbay sa iba’t ibang panig ng mundo.
  …hindi pinaglingkuran ng tagapagluto at mananahi
  …hindi naging “mayaman at sikat.”

Hindi lamang ipinangaral ni Gilbert Cranmer ang paglimot sa sarili at pagtitiis. Ipinamuhay niya ito.

Sa pasimula’y nakasanayan na ni Gng. White ang makatanggap ng mga pakinabang mula sa paglilimbag ng kanyang mga aklat. Ayon sa pahayag ng isang tagapaglathala noong Nobyembre 6, 1866, The Hope of Israel, Malinaw na ipinaalam sa amin na ang kanyang mga aklat ay ilalathala ng walang bayad; upang matanggap niya ang lahat ng pakinabang mula sa benta ng mga ito.” Subalit, taong 1885, ang pangyayari ay nagbago, sapagkat sa liham na mababasa mo sa ibaba, nagbigay ng pananakot si Ellen White na aalisin niya ang kanyang mga libro sa palimbagang ito at maghahanap ng iba kung hindi nila susundin ang kanyang gusto.  Ganito ang kanyang sinabi,  

Hinggil sa aking mga aklat, nais kong sabihin na hindi naman ako nagrereklamo sapagkat sa tingin ko’y nakinabang rin naman ng labis ang opisina na namamahala nito. Gayunma’y hindi ako nasisiyahan sa kita na hinahatid nito sa akin. Ayon sa kanilang ginawang plano, higit lang sa labing limang sentimo sa bawat kopya ang napupunta sa akin.  Subalit wala akong anumang natatandaan na isinangguni nila sa akin ang bagay na ito. Inakala ko na ang kapatiran ay magiging maingat sa pagbabantay ng aking pakinabang, sa paraang binabantayan nila ang kanilang pakinabang...

Tanging ang gastos sa paglilimbag at pagbebenta ng aking aklat, Vol. IV, ang dapat na alisin mula sa kinikita. Ang ilan ay dapat na ilaan ng lahat sa may akda. Wala namang kinatawan na kinailangan para sa Vol.IV. Ito ay maari namang ibenta na hindi kinakailangang gumastos. Hindi ako nasisiyahan sa bunga nito. At sa kanila na pakiramdam ay ginawan ako ng kabutihan sa pagbibigay sa akin ng limang sentimo sa bawat naibentang kopya, sila ay nagkakamali...

Hindi ako agad gagawa ng anumang mabilis na hakbang, subalit hindi ako papayag sa ganitong pamamaraan. Alam ko sa aking sarili kung paano ko magagamit sa mabuting paraan ang mga bagay na natatanggap ko. Gayunma’y dahil sa kanilang ginawa’y wala akong kahit isang kusing na magamit para sa anumang bagay. Ako ay nagtitipid sa anumang paraan na alam ko, ngunit wala akong natatanggap na sapat upang patuloy na tugunan ang mga gastusin ng gawain...[39]

Paglalagom

May iba na inilalarawan si Ellen White na isang mahirap at mapagparayang propeta. Madalas nilang balikan ang simula ng kanyang ministeryo na kung saan ay hikahos sila sa buhay. Madalas rin nilang bigyang pansin na siya raw ay namatay na “may utang.” Subalit, ang hindi nila nauunawaan, sa kasalukuyang halaga ng dolyar, ang kanyang mga kinita, gamit lamang ang kanyang mga libro, ay sapat na upang magkaroon siya ng kita na higit pa sa tatlong milyong dolyar. Hindi pa natin diyan pinag-uusapan ang kinita niya mula sa kanyang mga lupain at maging ang yamang naipon ng kanyang asawang si James White. Hindi rin natin isinama ang kanyang sahod bilang ministro at maging ang kanyang mga kinita mula sa iba’t ibang negosyo. Ang totoo, ayon sa batayan ng uri ng pamumuhay noong 1800s, ang mga Whites ay walang pasubaling napakamayaman. Oo, totoo na sila ay naging mapagbigay sa mga proyekto ng kanilang simbahan, subalit namuhay rin sila ng “marangya at sikat.” Tulad ng ating nabanggit, si Gng. White ay nawili sa pagpunta sa mga natatanging spas at pangkalusugang resorts. Siya’y naging mahilig sa pagdaramit ng mga magarang kasuotan, naghanap ng mga bago at masasarap na pagkain, naglakbay sa ibang panig ng mundo at sa kalauna’y nanirahan sa isang marangya at milyo-milyones na mansyon habang pinaglilingkuran ng kanyang mga katulong, na ilan sa mga ito ay kanyang nurse, tagapagluto at mananahi.

Kaya’t kung maingat na titingnan, ang Seventh-day Adventist ay masasabing naging malaking pakinabang sa buhay ni Ellen White. Kaya’t gamit ang mga pagsusuring ito, ang tanong na dapat mong pag-isipang mabuti ay: Siya ba ay talagang Propeta o isang mahilig sa Pakinabang?

Mga Sitas

[1] Inflation Calculator

[2] Ang mga kinikita ni Gng. White ay nabalita noong Nobyembre 6, 1866, sa limbag na Hope of Israel. Inalam natin ang inflation gamit ang Inflation Calculator (tingnan ang footnote #1).

[3] James White, Letter to Ellen White, Apr. 18, 1880.

[4] James White, Letter to Ellen White, Feb. 18, 1881.Dagdag sa mga libro, nagbenta rin si James White ng Adventist charts. Sa liham ni Ellen White sa kanyang pamilya, ang sabi niya: “…ang inyong ama ay walang sawang nasa gawain ng pagbebenta ng mga charts at mga libro sa bawat sandali at oras.” (Letter 7, 1863 to Henry, Edson and William White).

[5] Ellen White, Letter 14, March 8, 1878.

[6] Ellen White, Letter 18, December 6, 1881.

[7] Ellen White, Letter 19, January 8, 1889.

[8] Ellen White, Letter 13b, January 15, 1890.

[9] $1 in 1862 was worth $27.71 in 2017. (The Inflation Calculator)

[10]Ang karaniwang halaga ng bahay sa St. Helena noong 2001 ay napabalitang $749,000. (www.realtor.com). Ayon sa isang nakatira sa St. Helena, “Sa aking karanasan, hindi makakabili ng bahay ang ganyang halaga. (Ang karaniwang bahay na inuupahan ng aking biyenan na malapit lang sa simbahang SDA sa St. Helena, ay nagkakahalaga ng $600,000 --- ngunit ito’y sira-sira pa nga. At batay sa aking pagsusuri sa Elmshaven at gawa na rin na ako ay maalam kahit papaano sa halaga ng lupain sa lugar na iyon, maari kong tantiyahin na ang halaga ng lupa at bahay sa Elmshaven ay higit sa $10,000,000!! Yun ay dahil sa nagpapamahal ang espasyo ng lupa na pwede kang makagawa ng sarili mong taniman.”   

[11]Gerald Wheeler, James White: Innovator and Overcomer, p. 97 (Review and Herald Publishing Assn, © 2003).

[12] Ibid

[13]Wheeler, p. 97.

[14]Ellen White, Selected Messages Book 3, p. 103, inilagay ng mga tagatala ang kanyang komento: “Noong Marso 22, nilisan ni James White ang Oakland, ang lugar na kung saan katatayo pa lamang nila ng bahay…”

[15] Arthur L. White, Ellen G. White Volume 3 The Lonely Years 1876-1891, p. 79.

[16] Ellen White, Manuscript Releases Vol. 3, p. 269, (Letter 245, 1904, to Elder N. C. McClure, July 12, 1904).

[17] Arthur L. White, Ellen G. White Volume 3 The Lonely Years 1876-1891, p. 120.

[18] Wheeler, p. 97.

[19] Ibid

[20]Ellen White, Letter 88, Apr. 15, 1890.

[21] $500 in 1876 was worth $11,689.50 in 2017. Ellen White, Letter 1a, 1876, p.1. (To James White, March 24, 1876).

[22] Ellen White, Letter 16, 1882.

[23] J.H. Kellogg letter to E.S. Ballenger, January 9, 1936.

[24] Ellen White, Southern Watchman, Jan. 15, 1903.

[25] Ellen White, Testimonies, vol. 9, p. 77.

[26] Ellen White, Testimonies, vol. 5, p. 681.

[27] Ellen White, General Conference Bulletin, Apr. 14, 1901.

[28] Ellen White, Testimonies, vol. 4, pp. 390-391.

[29] The Claims of Mrs. Ellen G. White, tract No. 1, issued by the SDA Church, Norwich Town, Conn., 1890, http://www.ex-sda.com/newpage25.htm.

[30] Ellen White, "A Sketch of the Christian Experience and Views of Ellen G. White (1851)", p. 55, para. 1.

[31]Ellen White, “Sa kanila na tatanggap ng tatak ng buhay na Diyos”, Enero 31, 1849, para. 9. Nagsulat si Ellen White kay kapatid na Phillips noong Okt. 10, 1859, na sinasabing: “Sa kanila na mayroong mga ari-arian, kayo ay may tungkulin na ibigay ang mga ito para sa kaluwalhatian ng Diyos…”(Letter 22, 1859). Si Ellen White ay nagsulat rin kina kapatid na Sperry, na nagbenta ng kanilang lupa at umalis sa West, ang sabi niya sa kanila: “Narito ang pagkakataon para sa inyo na limutin ang inyong sarili at maghandog sa Diyos ng pinakamainam na maibibigay ninyo…” (Letter 4b, 1861). At noong 1857, si Ellen ay nagsulat sa mga Adventist na sinasabing, “Sila ay nagiging maibigin sa sanlibutan, maibigin sa kanilang mga lupain at iba pang mga pag-aari. Ngunit ngayon ay tinatawagan sila ni Jesus na putulin ang kaugnayan nila sa mga ito at magsimulang mag-impok sa kalangitan…” (Manuscript 2, 1857).

[32] J.B. Bezzo, "Messenger of Truth", vol. 1, no. 3, Oct. 19, 1854, p. 2.

[33] Ellen White, The Review and Herald, November 26, 1857, para. 30.

[34] Ibid

[35] Ellen White, Letter 4, 1859.

[36] Ellen White, Review and Herald Supplement, Dec. 1, 1896.

[37] Deuteronomio. 14:28-29, TAB.

[38] Ellen White, Manuscript Releases, Vol. 17, p. 191.

[39] Ellen White, Letter written to J. H. Waggoner and C. H. Jones, March 7, 1885, from Healdsburg, California. Letter 15, 1885. Released by Ellen G. White Estate, Washington, D.C. January 22, 1989. Manuscript Releases, Vol. 20, pp. 48-50.